Bakit lagi na lang umuulan?

Bagyo na talaga ang gumagambala sakin. Labis na akong nasasaktan pero nandito pa rin ako at nakatayo. Sabihin mo nang madrama, pero ganun talaga.

June 01 nang gumawa kami ng activity sa T.L.E. Family picture ang nirequire. Dahil sa gustong gusto ko makita ang litrato ng family NIYA, kinakausap ko sya.
Ayos naman kami nang araw na iyon kahit nung pagkauwi ko tinalikuran ko siya at nagdrama na naman ang lola mo. Pagkauwi ko, nagtext siya at sinabing "kung anu anu kasi iniisip mo e." << Tandaan nyu tong line na to k?

June 02, Kinabukasan, napakaganda ng aking umaga dahil nagsorry naman ako sa kanya at inasahan kong magiging maganda ang araw ko. Umaga nang dumating siya at lumapit ako sa kanya, hinawakan ko pa ang kamay niya na sobrang lamig at kahit san siya magpunta nandun ako. Pero may something wrong, hindi nya ako napapansin, kaya ano pang ginagawa ko kasama siya, umalis na lang ako para hindi ako magmukang tanga. Hindi ko pa naman napapansin na galit siya or whatever is happening between us, Until..

English time, sumasagot ako sa English nang mapatingin ako sa kanya dahil nasabi rin lang ni Ms ung "MONEY". Akala ko dun siya nagalit dahil parang pinamumukha ko sa kanya na ..un na un.

Alam ko nang may bumabagabag sa kanya, dahil parang inirapan niya ako, parang ansama pa nga ng tingin e. Nang mag AP subject kami at natapos ito, dumaan siya sa aking likuran sabay hawak sa braso nya, tinanong ko kung ano problema niya, hindi nya ako inimik, sabay tanggal nya sa kamay ko ng braso nya at biglang lumabas.

Nagtataka na talaga ako ng lubusan. Biglang may tumapik ng napakalakas sa likod ko at pagkatingala ko, SIYA pala. Ansakit sakit talaga nun. Wala na talaga ako sa kondisyon ng hapong iyon. Sobra na akong naapektuhan at ung puso ko parang sasabog. Pramis. hindi expresyon, totoo po!. Sa sobrang sama ng loob ko. Naramdaman ko yung tulad ng kul op namin. Matagal bago ko naheal yun, kaya aasahan ko rin na ito, mas mabigat pa doon. Umiyak ako ng uwian namin, hindi nya ako inintay. Nagsisigaw ako sa klasrum para malabas ung sama ng loob ko, kahit na maingay, at least hindi sasabog dibdib ko. Lalo lang sumasakit ang puso ko sa tuwing nakikita ko sya. Hindi ako madrama, totoo na to. Seryoso!.

Pagbaba ko ng hagdanan, kinausap ko si Lorenz, muntik na akong maiyak. Sinabi ko kasing wala akong kakilalang VINCE." Pero, habang sinasabi ko kasi ung name nya, hindi mo talagang mapipigilang umiyak. Kulang na lang magupside down ka dun para ang luha mo babalik sa mga mata mo. Sana wala na lang gravity.. :'( Salamat na lang sa mga kaibigan ko na umaaliw sakin specially si Lorenz, nung time na yun.

Ngayon, July 03. Pag kapasok ko, wala na talaga ako sa mood, buti na nga lang at nakatulog pa ako kagabi, at ang panaginip ko pa nagkabati na daw kami. Akala ko nga totoo, nagigising gising na lang ako.. hai. Health ang first subject, e kagrupo ko sya, iniisip ko kung paano kami magpapractice, ayun, nagiisa na lang ako sa upuan at sinabi ko sa kanila na sila muna magpractice para hindi naman ako sumabog dun, baka kung anu lang naman sabihin ko e. Buti na lang nanjan si Angelyn para samahan ako sa c.r. Kung anu ano na kasing pumapasok sa isipan ko at labis na talagang naapektuhan ang emosyon ko. Hindi ko na ito kayang kontrolin. Pagpunta namin sa C.R. hindi ko pwedeng malabas lahat ng luha ko dahil mahahalata. Ok lang na unting pula lang kaya't nung pumasok ako sa klasrum, nakatingin ang mga tao sa harapan pero ako, keep on smilling lang. Kahit nagdudugo na puso ko. Successful naman ang roleplay namin. Pero ako? hindi pa rin successful.

Mabuti na lang at nakakayanan kong hindi tumingin sa kanya. Kasi nga, kumikirot lang puso ko pag sya na nakikita ko. Ok naman ako ng previuos subject till nagbreak time, aga ng break namin e, hindi namalayan ni sir na maaga siyang nagleave. Kakain na sana ako nang biglang pumunta sila Paul sa ligo ng blackboard kasama SIYA. Paabante ng paabante ang blackboard at bigla akong sumigaw.. "anu ba?! may kumakain dito sa harapan ha!." << tandaan nyu tong scene na to.

Umalis naman sila, kung wala lang siya dun, di ko sila nasigawan. Naiinis kasi ako sa KANYA.

Microbio, kakaantok. Next subject P.E. Kakatuwa naman kase hindi ko siya kagrupo at natalo pa naman sila.. buwahaha. sandali lang naman akong naging masaya, pero naglalakbay siya sa isip ko.. padaan daan, sinusulyapan ko rin naman siya, pero hindi matagalan.

Clubs ang next destination, pagkabalik ko sa klasrum, nilakasan ko ang loob ko, niyakap ko sya sa likod at tinanung ko kung galit siya o naiinis siya sakin, mamaya daw, sabi niya.

Umalis ako sa klasrum dahil ang lintik na greggy, nagkatinginan sila ni . at ngumiti ang gregg, aun nakakabadtrip kasi prang pinagtitripan ako e, ngiting mapangasar pa. Pumunta ako sa baba para makahanap ng makakasama, sila Angeline ang nakasama ko, mejo nafefeyk na talaga ang aking ngiti, actually hindi ako nageenjoy sa luksong baka nila, alam na alam ko pag fake ako.

Bumaba ang tropa NIYA ksama siya, nang makadaan sa amin, nagpaiwan SIYA para kausapin ako, tinatanung ko ang rison nya, pero ha?" sya ng ha?". ako'y naguguluhan na talaga, alam ko na narinig nya nung isang araw ung tungkol kila matubis pero, hindi naman talaga totoong may gusto ako dun, nagpapaliwanag ako sa kanya. Alam ko naman na naririnig nya iyun e. Nababadtrip na rin ako, kaya I started to write sa likod ng diary ko in a cursive form, para kahit sulyap, hindi nila maiintindihan. Nandun lahat ng nararamdaman ko nitong araw na ito. Lumapit naman si Paulin para sabihin na nakita nyang magmake face ang bwisit. haist! nung sumigaw ako remember?

Nang magTLE, sinabi ni Angelyn sa KANYA na magusap kami, bridge ba, nagusap naman kami pero im still confused. ignorant ba. hindi ko na alam kung ano ang gumagalaw sa paligid ko.

Mejo ayus na kami ng T.L.E. pero hindi ko masasabing ayus na kami totally, dahil batid ko naman sa kilos nya na may pagaalinlangan. Hindi ko na ikukwento ung ke Pat, basta, ako me kasalanan nun. Anyway, back sa amin, tumatabi siya sakin, pero wala dun ung sweetness na hinahanap ko. Hindi siya ang VINCE ko noon. iba na xa ngayun. Pinakita nila Ge ang sulat na "FAITHFULNESS" from tle book, kung saan sabay sbi nyang, "nako, mahirap yan vince," me clue na ako na un ngang kay normaine ang pinag-ugatan ng lahat.

Umalis ako sa pwesto nila nang marinig ko ang name ng ex nya. bespren ko naman. Siguro some of them sinasabing, mabuti pa xa kase hindi ganito ganyan.. Palagi ko na lang iyun naririnig sawa na talaga ako. Ansama sama ng loob ko! Nagsulat na lang ulit ako sa back ng diary ko, kaya mejo naiiyak na naman ako. kinantahan ko na lang si Angelyn para ok naman, ngiti ngiti kunyare, pero nde naman talaga totoo.

Pagkatapos ng Values, uwian na, naglagay muna ako ng gamit sa locker, at alam na alam kong may kasunod ako dahil sa ingay ng sapatos nila, hinintay ko nang lumabas ung taong un.. na XA pala. hinampas nya ung locker, sobrang labas, ayoko naman na dun kami maguusap dahil madilim nga at isa pa, baka kung anu isipin ng mga tao pag nagdaan sila dun at nakita kame, inis na inis akong lumabas at nakasalubong ko pa si sir, sabi niya. "badtrip ka na naman?" talaga naman. nakakaasar talaga. plano ko na ang umiyak nang uwian, pero hindi ko magawa dahil nandun ang mga bwisit kasama na XA. Tinanung ako ni LA kung may kilala akong "VINCE" sabi ko, "wala akong kakilalang ganun". sa isip isip ko, iba na xa ngeun, ung vince na kilala ko noon not the same ngeun na nagloloose ng temper. Matapos akong magwalis at itapon ang basura sa dust pan sa non biodegradable(haha. indicated pa), umalis na pala sila, siguro dahil sa hindi ko sila pinansin.

Sinabi ko naman kila Pat na isara ang 2 pintuan dahil sisigaw ako, ayun nagsisigaw nga ako, mejo nalabas ang sama ng loob ko, kung anu ano pinagsasabi ko, at papaluha na ako..pero may kasamang lokong ngiti, tapos nasandal ko ung ulo ko sa chair at tumulo luha ko para bang hinihintay kong bumagsak, tapos lumapit si Paulin at muntik nang pahiran ang luha ko, pero pinigilan ko ang kamay nya, gusto kong lumuha ako, nang mawala lahat ng sama ng loob ko at matuloy tuloy ko pa ang paglabas nito, nagjoke pa nga akong.. "sana nandito siya, para kungwari ipapalo palo ko kamay ko sa kanya at pipigilan nya un at yayakapin nya ako habang umiiyak ako, para bang teleserye, haha". hanggang sa gusto ko ng humagulgol ng iyak, narinig ko na lang ang kanilang mga boses na nagssbing, "tahan na alex." pero hindi ko kaya, hindi ko mapigilan.. nagpatawa na lang si Pat ng POKERFACE kaya sobra ang pasasalamat ko sa mga dumamay sa akin.. Pulang pula ang aking mata ng ako'y umuwi, dahil nga don, halos lahat ng ako'y bumaba ay nakatingin sa akin lalo na sila Gregg, LA, Karla at Angeline, gulat na gulat at nagsasabing.. "Alex, bat ka umiyak?!". Tumawa na lang ako dahil sa muntik na pagiwan ko ng lunchbox, pero.. Umulan na naman katulad noon..

Bakit kaya lagi na lang umuulan? Baka naman, matangay na rin ako ng hangin kase hindi ko na kaya ang pagtayo..

"Kung anu ano kasi ang iniisip mo e. " Kaya pala, nanggaling din sa sariling isip nya un.

Handa kong itigil ang pagbagsak ng ulan.. Alang alang sa kanya.

kase,

Mahal na mahal ko SIYA.

No comments:

Post a Comment

Name:Your name here
Email:email here
Comments/ Suggestions:
Comments here

Pages